Kakaloka kayo.
Dagdag lang ng lola nyo ha ... o heto, galing sa FSMB yan (Federation of States Medical Boards), which also uses IMED's resource as the world's repository of medical schools.
Medical schools in The Philippines have been the source of a large number of physicians who come to the United States for graduate medical education and the practice of medicine. During the 10 year period 1993-2002, ECFMG issued Standard ECFMG Certificates to 4,561 graduates of medical schools in the Philippines.
The first medical school established in the Philippines was the Faculty of Medicine and Surgery of the University of Santo Tomas in 1871. Currently, there are 32 Philippine medical schools listed in the International Medical Education Directory (IMED), 30 of which are operating and 2 of which are closed.
Three of the currently operating medical schools have been identified by the Philippines Commission on Higher Education as "Centers of Excellence" and one as a "Center of Development" based "on their track record, performance in the licensure examination and excellent faculty."[2] The Centers of Excellence are at the University of the Philippines, University of Santo Tomas and the Cebu Institute of Medicine. The Center of Development is at Xavier University.
---------------------
As a good estimate, UST has produced more than TWENTY TIMES the COMBINED TOTAL number of graduates produced by all medical schools other than the University of Santo Tomas in the Philippines. (details are tedious and deleted)
Kaya Saludo ang lola nyo sa UST-FMS ... pioneer yan!! And ... the History of the Philippines IS NOT complete without mention of the University of Santo Tomas FMS. When you graduate from UST-FMS, you become part of over 130 years of excellence in medical education.
Yun mga ninuno nyo hats-off silang lahat sa UST. Yan ang number one pillar in the history of the Philippine medicine.
Siempre, ang University of the Philippines din, dahil mandate nya to be the State's University.
Pero ha, ang PLM may sarili ring mandate. Also ang CIM. Lahat naman sila may mandate and missions.
Huwag natin maliitin ang ibang medical schools dito ha, Kasi they also (and equally) fulfill very important mandates and roles in the Philippine society. Sa mata ng lola nyo, lahat ng medical schools sa buong Pilipinas, ay dapat ipagtanggol at ipagbunyi -- dahil tinutugon nila ang mga pangangailangang pangmedikal, pangkalusugan, at higit sa lahat, ang mahalang papel ng mga medical schools sa pagbabalangkas ng isang nasyon (nation building).
So, para sa lola nyo, heto lang ang masasabi ko ha, bagamat marami tayong tinitingnan sa pagpili ng isang medical school na papasukan -- sa ibabaw nito halungkatin din natin ang realisasyon na lahat sila importante at may sari-sariling karakterisasyon at lakas (unique charasteristics and strength), na mahalaga para sa pangkalahatang pangangailangan ng lipunan (na maaaring hindi parating mahalaga para sa isang partikular na estudante).
Gayundin, sa tagiliran ng ganitong usapin, payak at maliwanag ang ideya: ang pagpili ng isang estudyante ay batay sa sariling preperensya (preferences), pangangailangan (needs), pananaw (views), beliefs (paniniwala), obhetibong propesyonal (professional career objectives/goals), at marami pang mga bagay at situwasyon na partikular sa estudante.
Sa usapin na "which is the best medical school?" .. tinutugon lang natin ang sariling pangangailangan, at hindi ang pangangailangan ng lipunan (dahil para sa lipunan, kung sino ang makakatugon sa mga pangangailangan nya, yung ang the best).
Ganun pa man, sa ilalim ng pagtugon natin sa orihinal na interogasyon "which is the best medical school", anong kahulugan ng "best" ? Tinutumbok ba ng tanong na ito ang "which is the best choice?" o kaya "which is the best in terms of quality teaching?" o kaya "which is the best in terms of low attrition, yung konti ang nagdro-drop-out ?" o kaya "which is the best in term of allowing one to do overseas clerkship or residency training?" o kaya "which is the best in terms of popularity?" o kaya "which is the best in terms of faculty?" o kaya "which is the best in terms of percentage of boards passers?"
Ang kalidad ng tugon sa tanong ay nababatay sa kalidad ng orihinal na tanong.
ang lola nyo, mahilig sa lohika.