GUYS, THIS ONE SCARE THE HELL**** OUT OF ME!!
CHECK THIS URL OUT ---->
http://www.gov.ph/forum/thread.asp?rootID=126965&catID=2
O ayan, one manifestation lang yan ha. Talaga namang malalim, at sobrang grabe ang problema ng health care dito sa Pilipinas no !
The entry level salary for doctors at public hospitals in the Philippines is about 12,500 pesos, while doctors at private clinics earn about 17,000 a month.
The basic monthly salary for nurses working in public hospitals in the Philippines is around 9,900 pesos ($190) and 7,000 pesos for those in private institutions. In the United States or Britain, they would earn between 100,000 to 120,000 pesos
Of the roughly 1,600 private hospitals in the country, only 700 are now operational due to the shortage of nurses and doctors.
O heto naman yung Salary Averages Comparison for various occupations sa Pilipinas:
http://www.pinoytechblog.com/archives/salary-averages-comparison
Take note ha, mas mataas pa ang income ng Computer Programmer kaysa sa Medical Doctor sa private hospital. And ... lalo na mga Accountants/Auditors, they surpass Medical Doctors' income here.
For Internship here (you need to do before you attempt the Board Exam), some places are giving allowances Ph400 per month pero payable every 4 months, so Ph1,600 for 4months. In some teaching hospitals, no allowances, like in St. Luke's ha. In other places too, like UP no allowances pero you get free meals/board so parang ganun rin.
Residents get paid dirty cheap, masuwerte ka na kung nasa Php15,000 a month ang take-home mo. Less than $300 a month lang yan ha. Yung pamasahe o kaya gas pa lang, parking, snacks, ubos na agad. Nakakaiyak ang suweldo ng mga doctor dito. Mapa-residente, mga fellows, at mga consultants. Eh paano kung may pamilya ka na or baby diba ? Mahirap yun, nakasandal ka pa rin sa mga parents mo, eh doctor ka na!! "Pala-" ka pa rin. Tapos Paano naman yung papa ko, hindi magkakasya sa min yun susuwelduhin ko ? LoL Magmomodel na lang yung papa ko, ako pa ang susustentuhan nya. LoL Ipambili na lang ni Juan de La Cruz ng tatlong jeep yung pang-tuition nya, tapos mag-hire ng mga drivers. Tapos magpa-upa ng bahay. Baka yumaman pa. LoL
Kaya Grabe, kaya ako pagkakuha ko ng MD ko, sabay-alis. LoL o di ba? Eh anong problema nila, hindi naman sila (taong bayan) ang nagbayad ng pampaaral ko no, at lalong hindi sila ang gumagastos at nagfe-feed sa lola nyo, kaya i'm free to go to the greener pasture. o di ba kuya boy ? Isa din yan kaya ayokong pumasok sa UP kahit pasok na pasok ang lola nyo, mas gusto ko pang magbayad at malayang makaalis, kesa pag-aaralin ka ng bayan tapos aalis naman ... puro rherotic lang nung nasa Diliman pa ha, tapos aalis naman pagkakuha ng MD sa Padre Faura, kung anu-anong isinusulong nung nasa Diliman, tapos dun din ang bagsak, yung mga radikal na yan - mga ungas. naku parang gusto kong manampal nun ha. Bakit hindi pumunta sa Private school at magbayad kung kaya naman, gumastos sila. Kaya maraming nakaaway ang lola nyo sa Diliman, naku. Di ba Kuya Boy ?
O heto ha, Kaya toxic na toxic sa PGH, hindi lang burn-out yung mga residente, interns, clerks dun. Toxic din kasi gustong makaalis nung mga residente pero hindi naman puwede, they are "stuck". O ha, may isang Chief Resident kilala ang mommy ko ha, nag-nurse. Ilang UP MD graduates ang nag-nurse ... grabe. Siempre yung iba tinuloy na nila yung USMLE nila. Pero ito yung mga may mapagkukunan ng pera, dahil magastos yan. And besides, mas maraming Visa allocated for Nurses kaysa sa foreign MD residents, at mas madali ang NCLEX (Nurse Exam for US), kaya ang daming nag-opt na mag-nursing ha. Yung iba nga, hindi na nag-resident training dito ... diretso nang nag-USMLE. Para ano pa, eh di dun ka na lang mag-resident. Puhunan na lang nila yung mga ginastos nila sa pag-aapply. Yung ibang nag-enroll ng Nursing from MD, two years additional for those who have MD degree na, pero ha ... sulit yun... eh kapiranggot lang naman ang suweldo ng Doctor dito ... eh ano ba naman yung two years na tuition fee sa Nursing kung makakaalis papuntang Tate ... di ba Kuya Boy ?
At ito ha ... prangkahan, hindi ba kaya nag-aaral at nagsisikap, eh para sa sarili at sa pamilya (o kaya para din sa papa mo, kung may papa ka,

) ?? Pangalawa na lang siguro yung para sa bayan (kung meron man) LoL o di ba?
Maraming problema yung mga nagbayad ng DOST scholarship nila, dahil hindi nag-workout yung Plan B nila. Yung iba ha, hindi alam ang gagawin pagtapos na yung J1 Visa nila .... babalik na dito yung mga yun. Pero huwag ka, aalis na naman. LoL
Hindi judgmental ang lola nyo ha ... spyuk ko lang.